Sa panahon ngayon marami ng mga MLM company ang nagsisulputan at umaabot na sa point na gumagamit ng system na kapareho ng MLM companies at nagbabayad on multiple generations ay considered na ng Pinoy Networker na MLM o Networking. Para sa ikabubuti ng lahat liliwanagin ko kung ano talaga ang MLM. Marami na talaga ang pumapasok sa isang negosyo na akala nila ay MLM pero hindi naman talaga at ang nasisisi ay ang industry natin. Simple lang naman ang konsepto ng Networking, babayaran ka ng isang kompanya para eendorse ang isang produkto o serbisyo. Kaya siya tinatawag na Multi-Level Marketing dahil babayaran ang isang tao galing sa multiple generations ng mga tao na nagmamarket ng business. Dito na papasok yung compensation na ibibigay ng company galing sa endorsement ng ibang tao na ikaw yung nageendorse.
Mag ingat sa mga scammers o illegal na mga MLM kasi pinapaniwala nalang kayo na maganda ang kanilang produkto at sa huli bigla nalang nawala na parang bula. Eto yong tipong pinapaliwanagan ka na maganda ang kanilang products at compensation plan at sa huli hindi ka binabayaran ng comission. Titingnan nyo din kung may mga legal papers ba silang pinapanghawakan para hindi kayo mapariwara. Para sakin bago ka pumasok sa isang MLM o Networking ay magsisiyasat ka muna, huwag kang padalos dalos kasi pera mo rin yang pinangpuhunan mo.
No comments:
Post a Comment