Tama ka, isa akong pulis, pero hindi sapat ang income ko para makakapagtupad sa mga pangarap ko. Nung una wala talaga akong alam kung ano ba talaga itong Networking.
Here's my story, year 2011 may nag invite sa misis ko na umattend sa isang business opportunity presentation, at pagka day-off pumunta kami sa ibinigay na address ng kapitbahay namin.
Pagpasok namin sa isang office, marami ng naghihintay . Meron ng speaker at nagsasabi ng "Good Morning"napatawa ako ng palihim kasi mag aalas dos na yon ng hapon at nag go "Good Morning" pa ang speaker, pero yun pala ay isang term pala sa business ibig sabihin opportunity o may magandang opportunity. Iniintroduce na ng speaker ang magpepresent sa product at pinatayo kami at sinabi ng speaker na isang milyon, at sabayan ng tadyak at palakpak, napag isip isip ko na talagang ano ba tong napasukan ko, kulto yata eto, at dun na pumasok ang speaker na nakapolo at may susi pa ng kotse na nakasukbit sa kanyang pantalon.
Dun ko unang nalaman na madali palang yumaman sa pagnenetworking kasi makakapagrecruit ka lang ng dalawa, at yung dalawa makakuha rin ng tigdadalawa pag kaabot ng isang taon milyon na ang income mo.
Pero hindi din ako napasali kaagad, umabot pa ng isang taon bago ako sumali, excited na ako sa una kong pagkasali sa business na to, kailangan makakuha ako ng dalawa para maabot yung pangarap ko, naranasan ko na ding mamimigay ng flyers, pagkausap sa mga kaibigan at kamag anak ko, kumausap sa mga strangers, pagbahay bahayan.
Pero wala pa din akong mapasali, sabi ng upline ko, go lang ng go walang atrasan, tuloy tuloy lang makukuha mo din ang pangarap mo, umaattend ako ng business presentation, seminar pero wala pa din akong mapasali, hindi ako nawawalan ng pag asa.
Naitanong ko sa sarili ko kung ano bang kulang ko para makakakuha din ako ng parehas kong open minded, kaya nagresearch ako sa internet at dun ko nakita ang iba sa itinuturo sa upline ko, pwede palang magagamit ang internet sa business ko at higit sa lahat hindi ko na kailangang magbahay bahayan pa, mamimigay ng flyers, kumausap sa mga KKK, kaibigan, kamag-anak at kakilala, isa itong Pinoy Networker na nakaranas din ng struggle sa ganitong business at hindi ako nag aksaya ng panahon, nag enroll ako sa course nya at marami akong natutunan sa kanya, dito ko nararanasan na ang mga prospect ko ang kusang nagtatanong kung anong business ko, hindi na ako yung namimilit, kaya laking pasasalamat ko sa taong ito, marami akong natutunan sa kanya, gaya nitong pagsusulat sa blog, wala akong kaalam alam nung una kung paano makakapag set up ng ganitong site, dun ko lahat natutunan at naeshare ko din yung mga natutunan ko sa mga partners ko sa primary business ko.
I love my job as a policeman pero napamahal na din ako sa pagnenetworking.
Para malalaman mo kung paano ang attraction marketing e klik mo ito para sa FREE TRAINING VIDEO
Your Partner to Success,
SHERWIN MUMAR
No comments:
Post a Comment